Martin Nievera on Charice's new look: “It’s the choice of the artist. It’s the mood of the artist. We have to live with that.” by Glenn Regondola posted on May 22, 2013 STATS: 7675 Views | 7 Comments Ipinagtanggol ni Martin Nievera ang dating kasamahan sa X Factor Philippines na si Charice kaugnay ng mga isyung kinasasangkutan nito ngayon. Umaasa rin si Martin na maayos na sana ang anumang gusot na namamagitan kay Charice at sa kanyang pamilya.Photo By: Noel Orsal Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin Nievera sa 44th Box Office Entertainment Awards noong Linggo ng gabi, May 19.Dumalo ang Concert King upang tanggapin ang award ng X Factor Philippines na itinanghal bilang Most Popular TV Program-Talent Search/Reality.Kasama niyang umakyat sa stage ang host ng programa na si KC Concepcion, ang kapwa niyang mentor/judge na si Pilita Corrales, at ang winner na si KZ Tandingan.Bukod kina Martin at Pilita, kasama rin ni Martin na naging mentor/judge sa X Factor sina Gary Valenciano at Charice.Speaking of Charice, nasasangkot ngayon ang Pinay international singing sensation sa sunud-sunod na kontrobersiya. Nandiya ang kanya diumano'y identity crisis, ang alitan daw nila ng kanyang ina na si Raquel Pempengco, at ang pagtatanan diumano nila ng X Factor finalist na si Alyssa Quijano.Idagdag pa rito ang pagbabagong-anyo niya.Umpisa ng Concert King tungkol sa mga pagbabago kay Charice, “That’s showbiz.“Yung balitang nagbabago ng image, yung sinasabing reinvention, yun ay choice ng artist—kahit ayaw n’yo, kahit hind n’yo gusto.“We’re people, you know. Artists are weird people.Hindi kami exempted kung marami kaming moods, kung gusto naming mahaba ang buhok o gusto naming may make-up o walang make-up.“It’s the choice of the artist. It’s the mood of the artist.“We have to live with that.”Tungkol naman sa nababalitang problema ni Charice sa pamilya, ito ang naging pahayag ni Martin:“Well, like any other family that has a problem, so be it.“We’re in the world of showbiz so it’s better that we just let them solve their own problems.