Charice wala na sa pamamahala ni Oprah May 19, 2013 11:29am Tags: Charice Pempengco
Kinumpirma ni Robert Ybera, ninong ni Charice Pempengco, na wala na ang kontrobersyal na international singing sensation sa pamamahala ng sikat na Hollywood TV Host na si Oprah Winfrey."Tungkol na rin sa attitude ni Charice, dun sa mga tattoo niya, 'yun. Dun nagsimula 'yun, medyo tumabang," pahayag ni Robert sa ulat ni Arniel C. Serato ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph)."Kaya nung binanggit ni Charice na konektado pa rin siya kay Oprah, medyo nasabi ko sa sarili ko, hindi na ako umiimik. Ayaw ko sa akin manggaling,” dagdag nito.
Bukod pa rito, nabanggit din ang hindi pagkakaunawan at paghihiwalay ni Charice sa kanyang dating talent manager na si Grace Mendoza.
Ani Robert, “Kasi ang ugali ni Charice, pag alam niya na kakampi ni Raquel, iniiwasan niya, kaya tinanggal niya. Tinanggal niya, ano, e, matagal na 'yang alitan na ‘yan. Kung hindi ako nagkakamali, 2009, ganun."Matatandaang inanunsiyo ni Charice noong 2012 sa pamamgitan ng kanyang Twitter account ang pagkalas nito sa kanyang manager.“Kung natatandaan mo, hindi natuloy yung Christmas ano ni Charice sa Channel 7, 'yun na 'yun. Dun nagsimula. Hindi umoo si Charice nun, medyo nagloloko na siya. Oo, yung Christmas special na naging Valentine’s special," patuloy nito.Noong 2011, mayroon dapat Christmas special si Charice sa Kapuso Network na may titulong "Charice Home for Cristmas" ngunit napalitan ito ng isang Valentine's special.Gayundin, ibinulgar din ni Robert na hindi pa rin nagkakaayos si Charice sa ina nitong si Raquel.“Ang alam ko, may usapan sa police station na wala na silang pakialamang mag-ina. Yun ang pagkaka-ano, si Charice ang humingi ng… parang pina-blotter, na wala na silang pakialaman sa isa’t isa. Kaya si Raquel, ayaw nang makialam,” saad nito.
Ayon pa kay Robert, tumawag daw si Raquel sa kanya noong umabot ang problema nilang mag-ina sa pulisya sa Alfonso, Cavite.Samantala, nitong Mayo 10, kaarawan ni Charice, nag-post si Raquel sa kanyang Facebook account ng pagbati sa kanyang anak.Giit naman ni Robert, ang motibo umano ng Facebook status ay upang “magising si Charice at magka-ayos silang mag-ina.” — Mac Macapendeg /LBG, GMA NewsTags: Charice Pempengco